Mga financiers, ipagbabawal na sa mga casino

Manila, Philippines – Ipinapa-ban ni PAGCOR Chairman Andrea Domingo ang mga financiers sa lahat ng mga casino at iba pang gaming facilities na nasa ilalim ng kanilang superbisyon.

Sinabi ni Domingo na nag-isyu na siya ng advisory sa lahat ng casino, pasilidad ng bingo at e-games facilties na pagbawalan na dito ang mga financier.

Giit ni Domingo, lalo lamang ito nagpapalala sa adiksiyon ng ibang indibidwal sa sugal.


Paliwanag pa ng PAGCOR, ito ay bahagi ng binubuo nilang komprehensibong sistema para maiwasan na ding maulit ang nangyari sa Resorts World.

Bukod dito, may sentralisadong listahan na rin ang PAGCOR ng mga banned individuals sa lahat ng gaming facilities na nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa para hindi na makapaglipat-lipat ang mga ito lalo na mga tukoy na ang adiksyon sa sugal.

Kasama din sa inilalatag na protocol ay kung papaano matutulungan ang mga adik sa sugal na makapagpa-rehab.

Isusumite ng PAGCOR sa Kongreso ang kanilang final protocol and template sa susunod na linggo.

Facebook Comments