Mga first responder ng bagyo, binigyang pagkilala sa Kamara

Naghain ng isang resolusyon si Las Piñas Rep. Camille Villar, upang bigyan ng pagkilala ang mga bayanihan sa gitna ng sunud-sunod na bagyong humagupit sa bansa.

Sa House Resolution 1354, na inihain ni Villar ay binibigyang pagkilala at papuri rito ang mga first responder ng bagyo dahil sa pagsasabuhay ng bayanihan at pagtulong sa mga kababayan.

Ang pagkilala ay ibinibigay sa ating mga ‘men and women in uniform’, local government units, non-government organizations, private organizations at mga indibidwal na nagpamalas ng katangi-tanging pagtulong sa mga kababayan sa pamamagitan ng relief at rescue operations.


Sa kabila aniya ng mga limitasyon at hamon sa water at air assets ng bansa ay nagawa ng mga myembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), mga ahensya ng gobyerno, Local Government Units (LGUs), emergency workers at civilian authorities ang lahat ng makakaya para makapagligtas ng buhay at makatulong sa mga biktima ng kalamidad.

Kinikilala rin sa resolusyon ang partisipasyon ng Philippine Red Cross (PRC) non-government organizations, international humanitarian missions, at private individuals’ para sa patuloy na pagbibigay ng assistance at support sa mga sinalanta ng bagyo.

Facebook Comments