Mga fishing boat sa Pilipinas, dapat nang gawing makabago – Sec. Piñol

Dahil sa nangyaring hit and run sa Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS), iginiit ng Department of Agriculture (DA) na dapat nang gawing makabago at modernong fishing boats ang bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ang nangyari sa Recto Bank ay maituturing na awakening incident na dapat nang baguhin at i-modernize ang fisheries sector.

Dapat na aniyang i-leveled up at gawing bakal  ang fishing boats ng mga mangingisda.


Sabi pa ng kalihim, majority sa mga bangka o barko na ginagamit sa pangingisda sa bansa ay yari lamang sa kahoy na lubhang delikado.

Upang masimulan ang fishing boat modernization program sinabi ng kalihim na mayroon na silang binabalangkas na proposal na isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala ito na ang pagbabago sa fisheries sector ay magdudulot ng mas konbenyente at mahusay para sa mga Pinoy sa kanilang fishing activities.

Facebook Comments