Mga flood control projects, iminungkahi ng isang senador na ipagawa sa NADESCOM ng AFP

Inirekomenda ni Senator Robinhood Padilla na ilipat muna ang tungkulin ng DPWH sa pagpapagawa ng mga flood control projects sa National Development Support Command (NADESCOM) ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang NADESCOM ay binubuo ng mga military engineers at specialized units ng Hukbong Sandatahan.

Sa talakayan sa plenaryo tungkol sa flood control projects, tinukoy ni Padilla na itinatag noong 2006 ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang NADESCOM para labanan ang communist insurgency sa pamamagitan ng pagtatayo ng infrastructure projects.

Nakagawa aniya ang NADESCOM ng 1,800 na mga proyekto sa tulong na rin ng mga private donors at local development councils tulad ng mga tulay, farm-to-market roads, silid-aralan, water systems at marami pa.

Bagama’t “out of the box” ang suhestyon ni Padilla, sinabi ni Senator Panfilo Lacson na maaaring pagaralan ang ideyang ito.

Iginiit ni Padilla na mas pinagkakatiwalaan pa ang NADESCOM kumpara sa DPWH ngayon.

Facebook Comments