MGA FLOOD MITIGATION PROJECTS SA DAGUPAN CITY, PATULOY NA ISINUSULONG

Patuloy na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon na Flood Mitigation Projects o mga proyektong iibsan sa pagbahang nararanasan sa Dagupan City na matagal na ring problema ng mga residente sa lungsod.
Matatandaan na kasalukuyan ang konstruksyon ngayon ng road elevation at upgrade ng drainage systems partikular sa kahabaan ng Arellano-Bani at sa AB Fernandez.
Personal ding tinutungo ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pangunguna ng alkalde katuwang ang ilang kawani mula sa departamento ng LGU ang ilang mga barangay sa Dagupan City na madalas bahain kahit walang mga pag-ulan at dahil sa panahon ng high tide.

Nito lamang ay sinuri ang mga drainages sa Brgy. Poblacion Oeste, maging sa Brgy. Tapuac partikular sa Sesame Street. At ang hinahandang Road Upgrade sa Callejon St. Intersection hanggang sa Rizal Extension, ang upgrading ng PCC Pavement and Drainage System sa nasabing lugar.
Samut saring mga opinyon naman ang pahayag ng mga residente sa lungsod kaugnay sa ongoing na proyektong mataas umano na mga ginagawang kalsadahan. Bagamat ang iba rin ay naeexcite sa kalalabasan ng proyekto na sa huli ay parehas na may mithiing masolusyunan ang problemang pagbaha sa Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments