Manila, Philippines – Ipatatawag na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga flour miller sa bansa.
Tumaas na naman kasi ang presyo harina na posibleng magpamahal na naman sa presyo ng tinapay.
Kahapon nang ipatupad ang ikalawang bugso ng dagdag-presyo na umabot sa 20 hanggang 30 pesos kada sako.
Pero ayon kay Ric Pinca, Executive Director ng Philippine Associate of Flour Millers – kung tutuusin ay kulang pa ang nasabing dagdag-presyo.
Gayunman, ayon kay DTI Usec. Ted Pascua – dapat pa ring magpaliwanag tungkol dito ang mga flour miller.
Humingi naman ng ilang dokumento sa DTI ang grupong laban konsyumer para masigurong may basehan ang pinapasang dagdag-presyo sa tinapay ng mga mamimili.
Panawagan pa ni Atty. Dic Dimagiba, ipatigil ang dagdag-presyo kung hindi ito resonable.