Mga Flower Stalls sa labas ng Surigao City Public Market giniba

Giniba ang mahigit 5 flower stalls sa labas ng Surigao City Public Market sa may San Nicolas St. dito sa lunsod. Ito’y sa pagbibigaydaan sa drainage project ng Dept. of Public Works and Highways. Ayon sa Market Administrator Albert Lustiva, simula kahapon ang paggiba sa mga stalls at posibleng aabot sa 15 hanggang 30 araw na hindi muna makapagtinda ang mga ito hanggang hindi pa natatapos ang drainage system. Diumano’y naghahanap pa ang lokal na pamahalaan ng posibleng relocation site sa mga nagtitinda ng bulaklak.

Facebook Comments