Mga foreign travel at leave of absence ng mga Local Chief Executive, ibinawal na sa kasagsagan ng kalamidad

Manila, Philippines – Ipinagbawal na ng DILG ang mga foreign travels at pag leave of absence ng mga local chief executives sa kasagsagan ng kalamidad.

Ipinalabas ni DILG secretary Eduardo Año ang memorandum sa lahat ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan kasunod ng pagsasampa ng kasong administratibo sa limang mayor na missing in action sa kanilang syudad sa kasagsagan ng bagyong Ompong.

Ayon kay DILG Assistant Secretary and Spokesperson Jonathan Malaya, layunin nito na matiyak ang presensya ng mga local exexutives sa panahon na may bagyo o kalamidad sa kanilang lugar.


Nauna rito, kinasuhan ng DILG sina Mayor Eduarte ng Tayum, Abra; Mayor Luspian ng Mankayan, Benguet; Mayor Chiyawan ng Natonin, Mt. Province; Mayor Limmayog ng Sadanga, Mt. Province; at Mayor Ruma ng Rizal, Cagayan.

Habang binigyang babala naman sina Mayor Seares ng Dolores, Abra; Mayor Salazar ng Lasam, Cagayan; Mayor Turingan ng Enrile, Cagayan; Mayor Villacete ng Piat, Cagayan; Mayor Carag ng Solana, Cagayan; at Mayor Mamba ng Tuao, Cagayan.

Facebook Comments