Magsisimula nang mangolekta ang gobyerno ng income taxes sa mga dayuhang manggagawang nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ngayong buwan.
Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino – dapat lamang na maging patas lalo na at regular na nagbabayad ng buwis ang mga Pilipinong manggagawa.
Aniya, nasa 2 bilyong piso na halaga ng personal income taxes kada buwan ang hindi nakokolekta mula sa mga POGO workers.
Aabot sa 138,000 foreign nationals ang nagtatrabaho sa POGO sector sa bansa.
Sa ngayon ang Inter-Agency Task Force na binuo ng finance department ay ‘nililinis’ pa ang listahan ng mga POGO workers upang malaman kung mayroong double entries.
Facebook Comments