Kinalampag ng Public Attorney’s Office (PAO) ang mga law enforcement agency na mahigpit na ipatupad ang Republic Act 11053 o ang Anti-Hazing Law.
Para kay PAO Chief Atty. Percida Acosta, criminal act ang hazing at dapat itong i-ban.
Ipinanawagan din ni Acosta ang pag-ban sa mga fraternity na nasangkot na sa mga pagpatay.
Samantala, kinumpirma ni Acosta na isa pang ina ng biktima ng hazing ang tumawag sa kanilang tanggapan kanina lang madaling araw.
Wala pang detalye ukol dito ang PAO chief dahil hindi pa raw niya ito nakakausap.
Noon lang nakaraang linggo nang dumulog sa PAO ang ina ng hazing victim ng Tau Gamma Phi sa Cebu na si Ronnel Baguio.
Bagama’t may mga natukoy nang suspek ang Cebu PNP ay wala pa sa mga ito ang nahuhuli.
Facebook Comments