Mga fraudulent bank transactions, pinaiimbestigahan sa Senado

Inihain ni Senator Win Gatchalian ang Senate Resolution number 961 na nagsusulong ng imbestigasyon sa mga fraudulent na transaksyon sa bangko kung saan may nananakawan ng deposito.

Hakbang ito ni Gatchalian kasunod ng hacking at pagnanakaw sa bank accounts ng ilang kliyenye ng isang bangko.

Sa nabanggit na insidente ay nailipat ang pera ng ilang bank account holders ng Banco de Oro (BDO) tungo sa account name na Mark Nagoyo sa UnionBank at ipinambili agad ng bitcoins.


Maagap namang naibalik ng bangko ang pera ng kanilang mga kliyenteng nabiktima at nagsagawa na rin ng pagsisiyasat ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay Gatchalian, layunin ng isinusulong nyang pagdinig ng Senado na mabusisi kung sapat ang mga batas para protektahan ang publiko at ang financial industry at kung sapat din ang security measures ng mga bangko.

Tinukoy ni Gatchalian na sisilipin sa pagdinig ang Cybercrime Prevention Act, New Central Bank Act at ang data Privacy Act.

Facebook Comments