Mga frontline services sa Camp Crame, suspendido

Abiso sa mga may transaksyon sa Camp Crame.

Suspendido ngayong araw ang lahat ng transaksyon sa Camp Crame dahil sa ika-118 na anibersaryo ng Police Service.

Ayon kay Civil Security Group Spokesperson Police Lt. Col. Regina Abanales, wala munang pag-proseso ng LTOPF o License to Own and Possess Firearms, pagkuha ng clearance at maging transaksyon sa loob ng bangko sa Crame.


Aniya isasara na ang mga gate sa Camp Crame ng alas-12 ng tanghali bilang paghahanda.

Sa ngayon, abala na ang mga pulis sa Camp Crame dahil inaasahan na mamayang alas-4 ng hapon ay pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte na siyang panauhing pandangal sa Police Service Anniversary.

Facebook Comments