Mga Frontliner pinagbabaril sa checkpoint sa Esperanza,Sultan Kudarat, isang pulis patay, 3 sugatan

210

Dead on Arrival sa ospital ang isang Police habang sugatan ang tatlong iba pang frontliner matapos pagbabarilin sa mismong Police Checkpoint sa Purok Malipayon, Brgy. Poblacion, Ezperanza Sultan Kudarat pasado alas onse kaninang umaga.

Sa report mula sa Esperanza MPS, kinilala ang nasawing police na si PEMS Arnold Paclibar habang sugatan naman ang isa pang pulis na si PSSg Chato Maycong na kapwa nakabase sa Esperanza Municipal Police Station.


Kinilala ang sugatan na Barangay Health Worker na si Josephine Danggan, at isang Arnel Saldo alyas “lanto” isang Barangay tanod ng Barangay Poblacion.

Sinasabing nagkaconduct ang mga biktima ng Quarantine Checkpoint ng may mapadaan ng dalawang motorsiklo, isang RS Blue Motorcycle at isa pang di natukoy na motorsiklo .

Hinanapan ang mga ito ng mga kaukulang dokumento, ngunit nabatid na di tugma ang ipinakitang papeles sa kanilang mga motorsiklo.

Isa sa mga sakay ng motor ay bumunot ng baril at binaril si PEMS Paclibar habang nakapagreturn fire naman si PSSGT Maycong ngunit binaril din ang mga ito ng di nakilalang gunman.

Agad namang tumakas ang mga nakamotorsiklo habang isinugod sa ospital ang mga biktima ngunit naideklarang DOA si PEMS Paclibar.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon.
CCTO PIC




Facebook Comments