Muling binigyang pugay ng Department of National Defense (DND) ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para makamit ang tinatamasa ngayong Kalayaan.
Ito ay kaugnay sa ipinagdiriwang na ika-122 anibersaryo ng Kalayaan ng bansa ngayong araw.
Bukod sa kanila, binibigyan pugay din ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga frontliners laban sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa kalihim, nagpapakita ng katapangan para ibuwis ang kanilang buhay ang mga doktor, nurses at iba pang health workers, maging mga sundalo at reservists para ihatid ang basic supplies at services sa mga kabahayan o komunidad na lubhang nangangailangan.
Panawagan naman ng kalihim sa publiko na manatiling matapang sa pagharap sa pagsubok na dinaranas ngayon ng bansa dahil sa pandemya.
Marami na aniya ang patuloy na nagsasakripisyo kaya hangad ng kalihim na manatiling magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa ang bawat Pilipino para malampasanan ang pagsubok na ito.