Mga Frontliners na Health Workers umapila na madaliin ang Mass Testing at dagdagan ang kanilang mga sahod

103

Nanawagan ang mga Frontliners na Health Workers na madaliin na ang pagkakaroon nila ng Mass Testing at dagdagan narin ang kanilang mga sahod.

Ayon kay Alliance of Health Workers National President Robert Mendoza hinihiling nila sa DOH na mabigyan sila ng sapat at kalidad na Personal Protective Euipment o PPE at dagdagan na rin ang kanialng Hazard Pay.

Paliwanag ni Mendoza hindi dapat ginigipit ng DOH ang kanilang pondo para sa kalusugan dahil nakasalaaly umano rito ang kaligtasan mg taongbayan.

Una rito nagsagawa kahapon ng tanghali ang grupo ng sabay sabay ng Online Protest na tinawag nilang Protest from Wards.

Kinundena rin ng mga Health Workers ang pagmumulta ng 5 libong piso sa dalawang Health Workers na pauwi na sana sakay ng motorsiklo saValenzuela City,ganun din ang pag-atake sa isang Health Worker sa Saint Louis Hospital na nagresulta ng pagkasira ng kanyang paningin.

Facebook Comments