MGA FRUIT VENDORS SA DAGUPAN CITY, UMPISA NANG PUMWESTO SA DOWNTOWN AREA

Nakahilera na sa downtown area sa Dagupan City ang mga fruit vendors para sa paghahanda ng mga mamimili ngayong pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa mga fruit vendors na nakapanayam ng IFM News Dagupan, dinamihan na ang kinuhang kahon kahon ng prutas dahil tiyak umanong dadagsain ito ng mga consumer simula ngayong araw.

Sa kasalukuyan, nananatili nang mataas ang presyuhan ng ilang prutas at inaasahang tataas pa ito ilang araw bago ang Bagong Taon.

Samantala, kapansin-pansin na ang pagbili ng mga consumer ngayon pa lang lalo na ang mga prutas na matagal mabulok o masira. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments