Mga fully vaccinated, dapat palabasin ng bahay sa gitna ng ECQ – DILG

Umapela si Department of the Interior and Local and Government (DILG) Usec. for Barangay Affairs Martin Diño sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagang makalabas ng bahay ang mga ang mga ”vaccinated” o yung mga nabakunahan na oras na umiral ang mahigpit na community quarantine classification sa National Capital Region.

Sa Balitaan sa Maynila, sinabi ni Diño na dapat mabigyan ng konsiderasyon ang mga magboluntaryong nagpabakuna lalo na ang mga pumapasok sa kanilang mga trabaho.

Dapat namang arestuhin at pagbawalang lumabas ang mga matitigas ang ulo at mga ayaw magpabakuna o yung mga unvaccinated.


Pagtitiyak naman ni Diño, handa ang barangay level na magpatupad muli ng lockdown at higpitan pa ito dahil marami na ang hindi nagsusuot ng facemask.

Iminungkahi naman nito sa mga Local Government Unit (LGU) na mag-isyu ng vaccination card sa mga nakapagbakuna lamang ng single dose, ngunit may nakatakda nang iskedyul para sa second dose upang may maipakita sakaling mayroong maninita.

Nakatakdang magpulong ngayong araw ang IATF at ilang concern agencies kung saan isa ito sa maaaring talakayin.

Facebook Comments