Mga fully-vaccinated frontline workers, tatanggap ng insentibo mula sa DOLE

Magbibigay din ng insentibo ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga economic frontline workers na makakakumpleto ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, ang manggagawang nakatanggap na ng dalawang vaccine shots ay maaaring tumanggap ng bisikleta at cellphone na may P5,000 load.

Aniya, naglaan ang ahensya ng 1,000 bisekleta para sa mga manggagawa sa Metro Manila at 1,000 para sa mga essential workers sa ibang rehiyon.


Sisimulan ng DOLE ang pamamahagi ng insentibo sa Hulyo 1, 2021.

Ang mga nais maka-avail ng nasabing benepisyo ay maaaring makipag-ugnayan sa DOLE – Bureau of Workers with Special Concerns sa pamamagitan ng kanilang online pages.

Facebook Comments