Nananatiling mataas ang vaccine hesitancy sa mga senior citizens.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Department of Health Director Dr. Beverly Ho na umaasa silang dadami pa ang mga mahihikayat na mga lolo at lola na magpabakuna lalo na’t mataas ang banta ng Delta variant na mas mabilis makapanghawa.
Sa pinakahuling datos ng DOH, sa National Capital Region ay nasa 68% na mga nasa A2 category ang nabigyan na ng 1st dose habang 63% naman ang mga nakatatanda ang fully vaccinated.
Pero kung pag-uusapan ang datos sa buong bansa, 34% pa lamang ang nabigyan ng 1st dose at 32% ang mga fully vaccinated na sadyang mababa kumpara sa kabuuang bilang ng mga senior citizen sa bansa na nasa 9.8 milyon.
Kasunod nito, hinihikayat ng ahensya ang mga kaanak ng mga senior citizen na wag mapagod maghikayat sa mga ito na magpabakuna lalo na’t mas mataas ang risk nilang tamaan ng severe COVID-19.