Mga Gabinete Mula Sa Makakaliwang Grupo, Pinagbibitiw Sa Pwesto

8

Hinamon ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang mga miyembro ng Gabinete mula sa makakaliwang grupo na isipin na ngayon kung dapat pa ba silang manatili sa pwesto matapos na kanselahin ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF. Katuwiran ni Villarin, nominated ng CPP-NDF ang mga makakaliwa sa Gabinete kaya nakapasok ang mga ito sa gobyerno. Pero ngayong balik-giyera ang NPA at ang pamahalaan dapat nang pag-isipan ng mga ito kung itutuloy pa ang paglilingkod sa administrasyong Duterte o magbibitiw na sa puwesto. Pasaring pa ng kongresista, mahirap namang mamangka sila sa dalawang ilog. Hindi nagbanggit ng mga pangalan ang kongresista pero kabilang sa kilalang makakaliwa na nasa Gabinete ngayon ay sina DAR Sec. Rafael Mariano, NAPC Chairperson Liza Maza, DSWD Sec. Judy Taguiwalo at PCUP Chairman Terry Ridon.

Facebook Comments