Hindi na kinakailangan pang mag-resign ang isang cabinet member kapag maghahain ito ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC).
Paglilinaw ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque kasunod nang inaasahang pagtakbo ng ilang myiembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ngayon, sinabi ng kalihim na wala pang napapabalitang cabinet member na nagbitiw sa puwesto dahil sasabak sa nalalapit na halalan.
Ilan sa mga naunang lumutang na mga pangalan na myembro ng gabinete na sasabak sa eleksyon 2022 ay sina Department of Transportation (DOTr) Sec. Art Tugade, Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar, Department of Information and Communications (DICT) Sec. Gringo Honasan at Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III.
Samantala, binigyang diin ni Roque na sa huling araw ng paghahain ng COC sa Oktubre 8 ay malalaman kung siya ba ay tatakbo sa pagkasenador.