Mga gagamit ng modified na motor o mga open pipe na muffler sa pagsalubong ng bagong taon, binalaan ng NCRPO

Nagbabala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa lahat ng mga may motor na gagawing pampaingay para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Regional Director Police Major Anthony Aberin, mahigpit na ipinagbabawal ang mga open pipe na motor.

Ani Aberin, nakabantay ang Philippine National Police (PNP) sa sinomang posibleng mahuli o makita na gumagamit ng naturang pangpaingay ngunit ikukunsidera rin para hindi na gumamit ng paputok at makaiwas sa anomang aksidente.

Bagama’t bibigyan ng konsiderasyon nagbabala si Aberin na pag natapos na ang Bagong Taon ay dapat na nilang ibalik sa tahimik o orihinal na tunog ang kanilang mga motor dahil agad itong huhulihin lalo na sa mga pangunahing kalsada.

Una nang sinabi ng NCRPO na ang nais nila ay maayos at matiwasay na magdiwang ang publiko ng 2026 at hindi madamay sa anomang sakuna.

Facebook Comments