Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa COVID-19 patients na gagamit ng investigational drug na Remdesivir na kailangan munang kumuha ng “compassionate special permit” mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Ito ang tugon ng DOH kasunod ng pagbili ng lungsod ng Maynila ng 2,000 vials ng Remdesivir para sa treatment ng COVID-19 patients.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vegeire, ang paggamit ng Remdesivir ay kailangang may patnubay ng doktor.
Hindi naman nila pipigilan ang ilang Local Government Units (LGUs) na bumili ng nasabing gamot pero mahalagang tama ang paggamit dito.
Kapag nakitaan ng adverse reaction o side effects ang pasyenteng gumamit nito, dapat agad itong i-report sa FDA.
Ang Remdesivir ay isa sa gamot na kasama sa solidarity trial ng World Health Organization (WHO).