Inumpisahan na ng Commission on Elections Dagupan na bisitahin at inspeksyunin ang mga paaralang magsisilbing polling precincts o botohan sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa darating na buwan ng Oktubre ngayong taon.
Sa ngayon, ayon kay COMELEC Dagupan City Election Officer Atty. Michael Franks Sarmiento, nasa nobenta porsyento (90%) na ng mga silid-aralan sa kada paaralan sa lungsod ang natapos nang nabisita at na-assessed kung saan naunang napuntahan ang mga posibleng polling precincts sa mga Island Barangays at kung handa na itong gamitin sa panahon ng halalan.
Sa darating na eleksyon, nakatakdang gamitin ang nasa 386 na silid-aralan sa lungsod, ngunit dahil sa kakulangan ng mga silid-aralan ay nakatakda na ring gamitin ang mga library at principal office bilang contingency plan para maging sapat ang pagdarausan ng halalan.
Sa ngayon, base sa datos ng komisyon, nasa mahigit 141, 000 na ang mga rehistradong botante sa lungsod.
Bukod sa pag-inspeksyon sa mga magsisilbing polling precincts, ay kanila na ring sabay na isinasagawa ang pag-monitor at pag-assess sa mga magiging problema sa halalan.
Samantala, nakatakda na ring sumailalim sa pagsasanay ang mga gurong magsisilbing BEIs o Board of Election Inspector o ang mga Electoral Boards na gagabay sa mga botante sa pagboto at tatanggap din ang mga guro ng honorarium bilang bayad sa kanilang pagtatrabaho sa eleksyon. |ifmnews
Facebook Comments