Mga gagawa o magpapakalat ng fake bomb threats, mahaharap sa mas mabigat na parusa

49

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 9059 na layong bigatan ang parusa sa mga magpapakalat ng mali o pekeng impormasyon tungkol sa bomb threats, mga pampasabog at ibang life-threatening o destructive materials.

Sa ilalim ng ‘Anti-False Bomb Threat Act’, tinitiyak nito ang pagbibigay proteksyon sa publiko laban sa mga nagkakalat ng pekeng impormasyon tungkol sa pagbabanta ng anumang uri ng pampasabog.

Pinipigilan ng nasabing panukala ang sinuman sa pagpapakalat ng mga fake bomb threats o explosive threats gamit ang mail, electronic-mail, telephone, cellular phone, fax machine, telegraph, printed materials, social media at iba pang linya ng komunikasyon upang maiwasan ang pagpa-panic na rin ng publiko.

Ang sinumang lalabag sa oras na maging batas ito ay mahaharap sa pagkakakulong ng isang taon at pagmumultahin ng P50,000 o parehong parusa depende sa desisyon ng korte.

Kung ang pekeng banta na bomb threat ay mauuwi sa paglikas sa mga tahanan, gusali at mga public transportation gayundin ang pagpapatigil ng serbisyo na maaaring magresulta sa pagkalugi, kaguluhan o kamatayan, mahaharap naman sa parusang hindi hihigit sa limang taon na pagkakakulong at multa na P1 milyong piso sa mga lalabag dito.

Facebook Comments