Mga Gamit at Sangkap sa Paggawa ng Pekeng Sigarilyo, Nakumpiska sa Isang Abandonadong Warehouse!

39

Cauayan City, Isabela- Libo-libong karton ng mga gamit at sangkap sa paggawa ng pekeng sigarilyo ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang abandonadong warehouse sa Brgy. Victoria, Alicia, Isabela.

Dakong alas 4:00 ng hapon May 30, 2020 nang isilbi ang Letter of Authority (LOA) ng pinagsanaib na pwersa ng Bureau of Customs sa pangunguna ni SP/Capt Rodolfo Gonda Jr, Provincial Intelligence Branch ng Isabela PPO sa pangunguna ni PMaj Dennis M. Pamor at PNP Alicia na pinangunahan naman ng Hepe na si PMaj. Ardee Tion sa warehouse partikular sa likod ng Triple Hou 168 Fuel Station Inc. sa naturang barangay.


Natanggap ng caretaker ng warehouse at pump boy ng Gas station ang LOA mula sa mga otoridad at sa ginawang inspeksyon ng mga kinatawan ng BOC at mga alagad ng batas ay narekober ang iba’t-ibang mga materyales at sangkap sa paggawa ng pekeng sigarilyo.

Batay sa resulta ng kanilang ginawang imbentaryo sa mga nadiskubreng laman ng bodega sa pangunguna ng Customs examiner na si Ralph Anyone Rojo, tinatayang nasa 3,726 carton ng assorted filter paper, 57 cartons marlboro blue inner label, 48 cartons marlboro green inner label, 34 cartons gold tear tape, 125 cartons white tear tape, 391 cartons white carton inner paper, 456 cartons plastic wrapper, 358 sacks tobacco raw, 114 cartons label carton fortune blue, 29 cartons label carton ‘mark’, 10 cartons label carton ‘fort’, 44 cartons label ‘marlboro gold’, 106 cartons paper labec ‘farstar’, 168 cartons ream cartons ‘farstar’, 175 cartons label ‘fort’ carton, 133 cartons paper label ‘marvel red’, 39 cartons paper label ‘canon menthol’, 45 cartons paper label ‘two moon’, 15 cartons paper label ‘marvel green’, 81 cartons paper label ‘two moon premium’, 93 cartons paper label ‘mighty full flavor’, 48 cartons carton label ‘two moon national’, 153 bundles ream carton ‘astro’, 54 cartons label paper ‘fort’, 126 containers paper glue 26. 410 pails pvac emulsion, 21 cartons paper towel, 393 cartons tipping paper, 2397 cartons tobacco, 328 cartons packaging tape, 28 cartons plastic label ‘two moon’, 1602 cartons foil paper, 70 cartons inner label ‘winston’, 4 crates asstd machine parts; 2,780 cartons double plastic rolls, 271 cartons single plastic rolls at 473 sacks single plastic rolls.

Narekober din ang nasa 5,500,000 philippine tax stamps at 7,000,000 foreign tax stamp.

Kaugnay nito, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa mga nadiskubreng materyales at sangkap ng sigarilyo sa naturang bodega.

Facebook Comments