MGA GAMIT PANSAKA, IPINAGKALOOB SA MGA MAGSASAKA SA BAYAN NG SAN NICOLAS

π™Žπ˜Όπ™‰ π™‰π™„π˜Ύπ™Šπ™‡π˜Όπ™Ž, π™‹π˜Όπ™‰π™‚π˜Όπ™Žπ™„π™‰π˜Όπ™‰ – Napamahagi ang ilang mga kagamitang pansaka sa dalawang grupo o asosasyon ng mga magsasaka sa bayan ng San Nicolas bilang bahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa ilalim ng Department of Agriculture-Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (DA-PHilMech).
Layon nitong mas mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa bayan at mapayabong ang produksyon ng mga produktong kanilang itinatanim at inaani.
Bukod pa rito ang layong ma-upgrade o mapabuti ang proseso sa pagsasaka ng mga magsasaka nang mas mapadali at maginhawaan ang mga ito sa ginagawang pagtatanim at pag-aani.

Payo pa ng alkalde ng bayan sa mga magsasakang tumanggap na ingatan at gamitin ng maayos ang mga naipagkaloob na mga farm machineries dahil malaking tulong ang magagawa nito para sa kanilang pagsasaka. #π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments