Mga gamot laban sa COVID-19, dapat accessible sa publiko – FDA

Naniniwala ang Food & Drug Administration (FDA) na dapat maging accessible sa mga pasyenteng may mild at moderate case ng COVID-19 ang mga gamot laban sa virus tulad ng Molnupiravir.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni FDA Officer-in-Charge Dir. General Oscar Gutierrez na ang Department of Health (DOH) kasi ang may mandato na mag-deliver ng mga suplay ng ganitong gamot sa mga ospital at healthcare providers tulad ng botika.

Gayunpaman, nilinaw nito na nasa DOH pa rin ang desisyon kung papayagang itong mabili ng publiko nang over-the-counter basta’t mayroong reseta ng doktor.


Kamakailan ay inaprubahan ng FDA ang Emergency Use Authorization (EUA) ng mas marami pang brands ng Molnupiravir kabilang ang isang local manufacturer na Lloyd Manufacturing Inc.

Facebook Comments