Mga gamot sa diabetes, high-cholesterol at hypertension, wala nang VAT simula 2019

Good news!

Epektibo sa Enero a-uno ng susunod na taon hindi na papatawan ng Value Added Tax (VAT) ang mga gamot sa diabetes, high-cholesterol at hypertension.

Ito ang inanunsyo ng Department of Finance (DOF).


Ayon sa DOF – isa sa mga probisyon sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law na mabigyan ang mamamayan ng access sa healthcare at mas murang gamot.

Kaya simula sa January 1, asahan na ang pagbaba ng presyo ng mga gamot para sa mga nabanggit na sakit.

Facebook Comments