Pinapatiyak ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes sa Department of Health (DOH) na tiyaking available sa lahat ng mga evacuation centers ngayong tag-ulan ang gamot sa leptospirosis.
Hiling ito ni Reyes sa DOH para agad matugunan ang tumataas na kaso ng leptospirosis bunga ng mga nararanasang pagbaha ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa pananalasa ng mga bagyo.
Ikinabahala ni Reyes na base sa datus ng DOH ay tumaas ng 72 percent ang mga dinapuan ng leptospirosis mula Jan. 1 to June 3 ngayong taon na umabot sa 1,582 kumpara sa naitalang 920 kaso noong nakaraang taon.
Binanggit ni Reyes na base naman sa record ng DOH Epidemiology Bureau ay tumaas din sa 161 ang bilang ng mga namatay sa leptospirosis ngayong 2023 kumpara sa naitalagang 135 na pagkasawi noong nakaraang taon.
Binigyang-diin ni Reyes na hindi biro ang sakit na leptospirosis at patuloy na tataas ang bilang ng mga maaapektuhan nito kung hindi mailalatag ng gobyerno ang nararapat na hakbang.