Mga gasolinahan na malapit sa Bulkang Taal, pinapayuhang mag-imbak ng gasolina

Inaabisuhan ng pamahalaan ang lahat ng gasolinahan sa lalawigan ng Batangas.

Ito ay may kaugnayan sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Ayon kay Energy Usec. William Fuentebella, nagpalabas na ang ahensya ng guidelines para sa lahat ng gasolinahan sa lalawigan ng Batangas.


Aniya, inabisuhan nila ang lahat ng gasolinahan sa Batangas na punuin ang kanilang mga tangke o imbakan.

Ito aniya ay para hindi magkaroon ng kakapusan sa suplay ng mga produktong petrolyo sa mga retail outlets saka-sakaling lumala pa ang sitwasyon ng bulkan.

Sa ngayon kasi nananatiling mataas ang presyo ng produktong petrolyo dahil na rin sa giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia na nakakaapekto sa presyo sa pandaigdigang merkado.

Facebook Comments