Mga gasolinahang nagpataw na ng ikalawang bugso ng fuel excise tax, umabot na sa 444

Manila, Philippines – Umabot na sa 444 na mga gasolinahan sa buong bansa ang nagpataw na ng fuel excise tax.

Sa datos ng Department of Energy (DOE) – 369 rito ay pag-aari ng Petron, 46 ang Shell at 29 ang Flying V.

Pero ayon sa Ahensya, hindi naman nagsabay-sabay ang taas-presyo ng gasolina, diesel at kerosene dahil ang pagpapataw nila ng dagdag na buwis ay depende sa kung anong produkto ang unang naubos ang stock.


Samantala, nakapaglabas na rin ang DOE ng tatlumpung show cause order sa mga gasolinahang nagtaas ng presyo dahil sa excise tax.

Babala ng DOE, mas maraming gasoline station pa ang kanilang pagpapaliwanagin sa mga susunod na araw.

Dapat umanong mapatunayan ng mga ito na talagang ubos na ang kanilang imbak na langis at ang ipinataw na excise tax ay sa mga bago na nilang stocks.

Facebook Comments