Mga gated subdivision sa San Juan, handang pabuksan ng LGU alinsunod sa utos ng pangulo na ibalik ang mga kalsada sa publiko

Bukas si Mayor Francis Zamora na pabuksan ang mga gated  subdivision sa San Juan City.

Ito ay alinsunod sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government na buksan ang mga gated village tuwing rush hours para mabawi ang mga kalsada at masolusyunan ang problema sa traffic sa Metro Manila

Sa katunayan, sinabi ni Zamora na isa ito sa pag-uusapan sa isasagawang Metro Manila Council meeting ngayong araw.


Aniya, walang problema sa kaniya kung ito ang mapagkakasunduan na solusyon para makapagbigay ng dagdag na daanan sa publiko.

Aniya, makikinig muna siya sa ilalatag na mga patakaran partikular sa mga oras at mga kalye na bubuksan.

Handa naman siyang makipag-diyalogo  sa mga residente ng mga gated subdivision.

Kanina, pinangunahan ni Zamora ang pagsuyod sa Club Filipino Avenue at Conneticut Street na sakop ng Mabuhay lane upang linisin sa mga ilegal na naka-park na mga sasakyan.

Facebook Comments