MGA GAWANG OBRA NG ILANG ARTISTS, BIDA SA SELEBRASYON NG SINING NG PAG-ASA

Matagumpay na isinagawa ng City Tourism office ang selebrasyon ng Sining ng Pag-asa na ginanap sa Hacienda De San Luis Cauayan.

Kasabay ito ng pagdiriwang sa National Culture and the Arts Month.

Pinangunahan ni Tourism Officer Maribel Eugenio ang aktibidad kasama ang ilang opisyal ng LGU maging si Provincial Tourism Officer Dr. Troy Alexander Miano.

Bida sa aktibidad ang ibat-ibang obra ng mga artist gaya ni Chung Nung Thian na kinilala bilang Outstanding Artist sa lungsod.

Unti-unti namang binubuksan sa publiko ang ilang sikat na pasyalan sa lungsod gaya ng Hacienda De San Luis.

Isa rin sa mga makikita sa lugar ang ipinagmamalaking Bambanti Museum kung saan bida ang mga gawang obra ng ilang grupo.

Nagpaalala naman ang Tourism Office sa mga bibisita sa lugar, mangyaring magpa-book gamit ang kanilang facebook page (Cauayan City Tourism) lalo na kung mahigit sampung katao ang bilang ng mga magnanais bumisita sa lugar.

Kinakailangan namang maglaan ng P20.00 na magsisilbing bilang entrance fee ng mga turista.

Kailangan namang ipakita ang vaccination card na siyang pangunahing requirements bago makapasok sa Hacienda De San Luis.

Facebook Comments