Game na nakipagselfie ang dalawang gorilla sa kanilang mga caretakers sa Virunga National Park, Democratic Republic of Congo.
Ibinahagi ng pamunuan ng National Park ang litrato ni Mathieu Shamavu kasama ang mga nakakatuwang photobombers. Mapapansin na striking ang pose ng dalawang gorilla at nakahanap ng maayos na angulo.
Ayon sa pamunuan ng National Park, si Mathieu ang nag-alaga at sumagip sa mga gorilla nung sanggol palang sila. Pinangalanan Ndakazi at Ndeze ang dalawang big mammals. Sinigurado din nila na nasa mabuting kalagayan ang mga ito.
Narito ang kanilang mensahe para sa publiko:
“We want to emphasize that these gorillas are in an enclosed sanctuary for orphans to which they have lived since infancy. The caretakers at Senkwekwe take great care to not put the health of the gorillas in danger. These are exceptional circumstances in which the photo was taken. It is never permitted to approach a gorilla in the wild”.