Mga government agencies na may police powers, hinimok na magtulungan para sa ikadarakip ni suspended Mayor Alice Guo

Kinalampag ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno na kumilos para sa agad na ikadarakip ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Matatandaang nitong Sabado ay naglabas na ng warrant of arrest ang Senado laban kay Guo at sa pitong iba pa pero tanging si Nancy Gamo na accountant ng alkalde ang nabitbit ng Senate Sergeant-at-Arms at kasalukuyang nasa kustodiya ng Mataas na Kapulungan.

Giit ni Estrada, dapat na magtulungan na ang lahat ng government agencies na may police powers para mahanap si Guo.


Mas mainam aniya kung susuko na lang si Guo maliban na lamang kung ito ay nakalabas na ng bansa.

Samantala, nauna ring nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian kay Guo na boluntaryo na itong sumuko dahil sigurado namang batid ng suspendidong mayora na mayroong arrest order laban sa kanya.

Apela pa ni Gatchalian, respetuhin ni Guo ang batas ng Pilipinas.

Facebook Comments