Sumailalim at nakilahok ang mga empleyado at mga business owners sa bayan ng Mangaldan sa isinagawang Tax Orientation ng Bureau of Internal Revenue – Revenue District Office No. 4 |(BIR -RDO 4) Calasiao.
Nasa mahigit apatnapung mga job order employees at ilang business owners ang lumahok sa naturang oryentasyon.
Ibinahagi sa mga ito ang ukol sa tax registration, mga kinakailangang requirements at dapat punan sa ilalim ng pagbabayad ng buwis.
Mahalaga umanong malaman ito ng mga nagbabayad ng kanilang mga buwis lalo ng mga bagong taxpayers sa bayan. Kasama rin sa ibinahagi sa mga ito ay ang tamang pagkwenta sa taxable income at iba pang pamamaraan upang makapagbayad ng buwis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments