Mga government financial institutions sa bansa, may sapat na pondo para suportahan ang Maharlika Investment Fund ayon sa National Treasurer

Iginiit ni National Treasurer Rosalia de Leon na may sapat na resources ang mga government financial fund para sa Maharlika Investment Fund sa bansa.

Sa isang media forum sa Quezon City na organized ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni De Leon na ang mga government financial institutions gaya ng Land Bank Of the Philippines ay mayroong investible funds na 1.3 trilyong piso pero nais lang daw nilang i-invest sa Maharlika Investment Fund ang 50 billion pesos na 3 percent nang kanilang investible funds.

Ang Development Bank of the Philippines (ADB) naman ay mayroong 850 billion investible funds sa halagang ito 25 billion pesos lang ang i invest sa Maharlika Investment Fund o 3 percent lang rin ng total investible fund.


Ayon kay De Leon, maraming safety nets sa pagpapatupad ng Maharlika Investment Fund kaya wala aniya mangyayaring mismanaged o maling pamamahala.

Mayroon aniyang oversight sa Congress, mayroon ring external auditor at internal auditor at kinakailang mag-submit din ng mga financial reports sa MIC o Maharlika Investment Corporation.

Una nang inihayag ng Palasyo ng Malacañang na ang Maharlika Investment Fund ay isang vehicle o sasakyan para sa economic growth ng bansa na nakalinya sa Medium-Term Fiscal Framework at 8-point Socio-Economic Agenda ng Marcos administration.

Facebook Comments