Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensya ng pamahalaan na gawing online ang mga transaction nito.
Layunin nitong maiwasan ang physical transactions sa gitna ng banta ng COVID-19 pandemic.
Sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), iginiit ni Pangulong Duterte na wala na dapat na pila sa mga tanggapan ng pamahalaan para hindi na nahihirapan ang mga tao.
Mahalaga aniyang magkaroon ng transition patungong online system at gawing ‘paperless’ ang mga negosyo at trabaho.
Binigyang diin ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng e-governance kung saan inihahatid ang serbisyo sa kanilang bahay at trabaho.
Inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management (DBM), Anti-Red Tape Authority (ARTA) para gawing posible ang online services.