Mga karagdagang kagamitan na makatutulong sa pag-aaral ang naipamahagi sa mga batang mag-aaral sa ilang island barangay sa Dagupan City.
Nabigyan ng mga bag, notebook, lapis, papel, pangkulay, at mga hygiene essentials ang mga grade 1 learners sa mga paaralan ng Calmay Elementary School at Carael Elementary School mula sa lokal na gobyerno.
Bukod dito ay nagsasagawa rin ang lokal na gobyerno ng mga aktibidad na makatutulong hindi lamang sa pag-aaral ng mga bata kung hindi pari na rin sa kanilang proteksyon.
Nito lang isinagawa ang OPLAN B.I.D.A: Batang Iwas sa Dahas at Abuso na layunin na magkaroon ng tiyak na kaligtasan at proteksyona ng mga bata sa kanilang paligid tulad sa loob ng mga paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









