MGA GRUPO NG MANGINGISDA, AYAW SA PLANONG GAWIN SILANG RESERVIST AT MAGBANTAY SA WEST PHILIPPINE SEA

Ayaw ng mga mangingisda na sila ay isama sa mga magbabantay sa bahagi ng West Philippine Sea at ipagtanggol ang mga karagatang sakop ng Pilipinas.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pamalakaya Pilipinas National Chairperson Fernando Hicap, sinabi nito na tumututol sila sa nasabing plano sa ilang mga kadahilanan.
Aniya, takot ang mga mangingisda na isaalang-alang ang kanilang mga buhay lalo pa at sila din ang expose sa karagatan.
Dagdag pa nito na mas dapat na unahin ang ipaglaban ang ating mga karapatan lalo pa alam naman ng buong mundo na nanalo ang Pilipinas sa Arbitral Ruling noong 2016.

At higit sa lahat aniya at hindi sapat ang mga kagamitan sa Pilipinas kahit na turuan ang lahat maging ng mga mangingisda na ipagtanggol ang ating mga nasasakupan. |ifmnews
Facebook Comments