Mga grupong kontra sa NPA, nag-rally sa Maynila

Kasabay ng paggunita ng ika 51-anibersaryo ng New People’s Army (NPA), nag-rally ang isang grupo na kontra sa recruitment at mga ipinaglalaban ng NPA.

Ang naturang grupo ay mula sa grupong Hands off of Our Children, League of the Parents of Philippines, Citizen Crime Watch at Manila NGO Alliance.

Maaga pa lang kanina, nagtipon-tipon na sila sa Liwasang Bonifaco sa Maynila dala ang kanilang mga placards, bandila ng Pilipinas at mga banderitas na naglalaman ng pagkondena sa NPA.


May dala rin silang puting nitso na may larawan ni CPP founder Jose Maria Sison at tinirikan ng itim na krus na may nakasulat na RIP sa ulunan.

Sa kanilang programa, tinawag nila ang NPA na mga teroristang grupo at salot ng bayan.

Facebook Comments