MANILA – Bukod sa grupo ng mga kababaihan na kumo-kondena sa ginawang pagbibiro ni Mayor Rodrigo Duterte kaugnay sa Australian Lay Minister na si Jacqueline Hamill na ginahasa at napatay sa Davao City noong 1989.Nakiisa na din si Comelec Commissioner Ma. Rowena Amelia Guanzon sa pagkontra dito.Aniya sa mahigit 54 milyong botanteng Pilipino ay halos dalawamput walong milyon dito ang babae.Iginiit niya na nakakapandiri at karumal-dumal ang pahayag ni Duterte sa pagkamatay ng biktima kung saan pinanghinayangan pa niya dahil dapat ay ang mayor ang unang nagpasasa rito at hindi ang mga preso.Bilang chairman ng Comelec Gender and Development Committee, sinabi ni Guanzon na isusulong niya ang Code of Conduct for Candidates para mabigyang-daan ang kanselasyon ng Certificate of Candidacy (COC) ng sinumang kandidatong gumagamit na masasamang pananalita.
Mga Grupong Kumokontra Kay Duterte, Nadagdagan
Facebook Comments