Mga grupong kumondena sa pagtanggal ng umano’y mapanghimagsik na libro at dokumento sa mga library, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang grupong kumokondena sa desisyon ng ilang state universities and colleges (SUCs) na tanggalin ang mga mapaghimagsik na aklat sa mga silid-aralan.

Ayon sa Book Development Association of the Philippines (BDAP), malinaw na paglabag sa kalayaan ng bawat isa ang hakbang maging ang karapan sa pag-iimprenta ng mga libro.

Kung nais na pag-isahin ang Pilipinas, iginiit ng BDAP na susi ang mga librong ito upang mabuksan ang isipan ng bawat isa.


Ilan sa mga unibersidad na nag-surrender na ng libro ay ang Kalinga State University, Isabela State University at Aklan State University.

Matatandaang una nang kinondena ng mga opisyal mula sa University of the Philippines (UP) Diliman ang gawaing ito dahil maituturing na taliwas sa misyon ng paaralan na magturo ng malaya at isulong ang academic freedom.

Kabilang sa mga librong ipinatatanggal ay ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHIHL), NDFP Declaration and Program of Action for the Rights, Protection, and Welfare of Children at Government of the Philippines-NDFP Peace Negotiations Major Arguments.

Facebook Comments