Manila, Philippines – Kinumpirma ni AFP Spokesman Major General Restituto Padilla na inaalam na ng militar ang mga grupong nagbabalak magdemanda sa kanila kaugnay ng krisis sa Marawi.
Sa ginanap na Mindanao Hour sa Malakayang kanina, inihayag ni Padilla na ang nasabing planong demanda kasi ay bahagi ng rebelyon laban sa gobyerno.
Sinabi ni Padilla na oras na makakalap sila ng mga matibay na ebidensya ay posibleng ipatupad na ang mga pag-aresto.
Mahigpit aniyang mino-monitor ngayon ng militar ang New People’s Army at iba pang mga armadong grupo sa Mindanao.
Tiniyak din ni Padilla na kung mayroon mang planong destabilisasyon laban sa pamahalaan, ito aniya ay hindi magmumula sa hanay ng AFP.
Tiniyak din ni Padilla na kahit matapos ang Marawi crisis ay tuloy pa rin ang pagpapa-iral ng martial law sa Mindanao.
Umaasa rin ang militar na matatapos ang gulo sa Marawi bago ang ASEAN Summit sa bansa sa Nobyembre.