Mga grupong nagpa-planong magsagawa ng Christmas resupply mission sa Ayungin Shoal, dapat munang makipag-ugnayan sa gobyerno

Hinimok ni National Security Council Assist Director General Jonathan Laya ang iba’t ibang grupong nagnanais na magsagawa ng sarili nilang resupply mission na makipag-ugnayan muna sa kaukulang ahensiya ng gobyerno.

Ito ay sa harap na rin ng plano ng iba’t ibang grupo ng mga sibilyan na magsagawa ng Christmas supply mission sa Ayungin Shoal.

Sa Bagong Pilipinas ngayon, inihayag ni Malaya na kahit pag-aari ng Pilipinas ang Ayungin Shoal, kailangan pa rin ipagpaalam sa gobyerno ang mga plano dahil sensitibong sapin ito kung paguusapan ay aspeto ng national security.


Kaya mas maganda aniya kung may pakikipag-ugnayan ang anumang grupong nagbabalak pumunta sa bahaging ito ng karagatan sa National Task Force for West Philippine Sea para na rin sa kanilang seguridad.

Sinabi pa ni Malaya, mismong ang resupply mission ng gobyerno partikular ang Armed Forces of the Philippines na nagbabantay sa Ayungin Shoal o iba pang bahagi ng karagatan ay coordinated sa Philippine Coast Guard at Western Command, para ito mapaghandaan at maisguro na walang magiging aberya.

Paglilinaw naman ni Malaya na nauunawaan nila ang kagustuhan ng iba’t ibang grupo na tumulong sa resupply missions para sa mga sundalo pero kailangan aniyang mayroon itong tamang koordinasyon para maging ligtas ang misyon.

Facebook Comments