Tiniyak ng Armed Forces of The Philippines (AFP) na hindi magtatagumpay ang mga grupong nais isabotahe ang may 13 midterm elections.
Ayon kay AFP Spokesperson, Marine Brig/Gen. Edgard Arevalo – maayos ang coordinasyon ng AFP, Philippine National Police (PNP), Commission On Elections (Comelec), at iba pang government agencies para tiyakin ang seguridad at kredibilidad ng halalan.
Hinikayat ni Arevalo ang lahat ng mga Pilipino na bumoto.
Ipinaalala naman ni AFP Chief of Staff, General Benjamin Madrigal na manatiling non-partisan.
Facebook Comments