MANILA – Hindi pa rin mawawalan ng pagasa ang mga petitioners matapos na ibasura ng Korte Suprema ang kanilang hiling na magpalabas ng Temporary Restraining Order sa pagpapatupad ng K-12 Law Program.Sa interview ng RMN kay Prof. Rene Tadle, Lead convenor ng Council of Teachers and Staff of Colleges and Universities in the Philippine, nakatakda silang maghain ng Motion for Reconsideration sa pagbasura ng SC sa TRO at Writ of Preliminary Injunction sa K-12.Hihilingin din ng grupo sa Supreme Court na magtakda ng Oral Arguments.Una nang iginigiit ng mga petitioners na isinabatas ang K-12 ng walang malawakang konsultasyon dahilan anila kung bakit magiging “mahirap” sa lahat ang edukasyon, lalo na sa mga pamilyang kakaunti lamang ang kinikita, pati na rin ang kapalaran ng mga maraming guro at empleyado ng paaralan.
Mga Grupong Tutol Sa Pagpapatupad Ng K-12, Buo Pa Rin Ang Loob Sakabila Ng Pagbasura Ng Korte Suprema Sa Hiling Na Pagpa
Facebook Comments