Isinasapinal pa ng Malacañang ang guidelines o mga patakarang iiral kaugnay sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr., sa ika-30 ng Hunyo, 2022, sa National Museum, lungsod ng Maynila.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, nagpapatuloy pa ang pakikipag-ugnayan ng Palasyo sa team ng president-elect, upang maikonsidera rin ang nais na mangyari ng susunod na pangulo ng bansa.
Sa oras na maisapinal na ito, tiniyak ng kalihim na agad nilang isasapubliko ang mga iiral na protocol o magiging takbo ng programa para sa June 30.
Ayon pa kay Secretary Andanar, sinisiguro lamang nila na angkop na guidelines ang maiimplementa ng pamahalaan para sa inagurasyon ng ika-17 pangulo ng Pilipinas, sa susunod na linggo.