Mga gulay na may SRP, palalawakin ng DA

Palalawakin pa ng Department of Agriculture (DA) ang mga gulay na mayroong Suggested Retail Price (SRP) kung saan, posibleng isama sa produktong pang-agrikultura ang marami sa mga gulay.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sumipa kasi ang presyo ng mga gulay sa mga palengke dahil sa mobility restrictions o paglimita sa pagbiyahe ng mga gulay sa gitna ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Dahil dito, pag-aaralan ng ahensiya ang iba pang gulay na isasailalim sa SRP o price freeze.


Samantala, nagpalabas naman ang naturang ahensya ng updated list ng agricultural products na sakop ng srp at price freeze kaugnay sa nararanasang Enhanced Community Quarantine.

Facebook Comments